Tribute to Daddy

By Keziah Lyn T. Dela Vega

A blessed evening to everyone. I am Kia and I am the eldest. This is our first time to experience death in the family. We all know that losing someone is hard but acceptance is needed so we can move on because we know that my Daddy is in the better place now.

He’s always reminding us na “Anak, pag namatay ako, huwag kayong iiyak sa kabaong ko ha, iiyak-iyak kayo, pero sa tingin nyo ba maririnig ko pa yon? Umiyak na kayo ngayon habang buhay pa ako. Pag umiyak kayo, hihilain ko paa nyo..” Kaya po siguro hindi kami masyadong umiiyak. Natatakot. But you know what, We will miss a lot of things about Daddy. Ang sarap ng pakiramdam na may nag-aalaga sa ‘yo tapos every time feeling secured ka kase alam mong nandyan lang siya handa kayong protektahan. Most of all, yung feeling na tanggap niya kung ano ka at mahal niya kung sino ka.

These past few months masyado siyang maraming kinukwento. From the moment na nagkakilala sila ni Mommy, kung pa’no siya binago nito hanggang sa moment na pinanganak ako. Para daw siyang kinikiliti. Ganun daw pala ang feeling kapag daddy ka na. Tapos may theme song pa sya sa ‘kin, ‘yung “I’ll Be There” nina Gabby at KC. Sabi n’ya kami daw ang original nun. Kaya pala kapag nag-goo-goodnight na kami sa kanya, kakantahan n’ya muna kami. Minsan nga parang weird-weird na eh. I’ll also miss yung pagpapatugtog ni Daddy ng mga music n’ya. Isasayaw pa kami nun parang nasa debut at prom. Saan ka naman nakakita ng daddy na ganun, dib a? Sobrang full time dad s’ya sa amin. Minsan nga nagtatago pa yun sa CR tapos hahanapin naming siya, tapos pag binuksan na namin, magugulat sya bigla. Mamimiss din naming yung paghu-hunting naming. Magtatago siya ng mga candies and chocolates sa sulok-sulok ng bahay tapos hahanapin naming isa-isa.. Ang unique pong daddy dib a?

Para bang ibang-iba kami sa loob at kabs ng bahay.. Pag nasa labas kasi parang takot na tako kami sa kanya, sobrang strict at protective naman po kase minsan. Pero pag sa loob ng bahay doon po namin nakikita ang totoong daddy.. especially yung weakness niya.. kami. Hindi n’ya kami natitiis. Althoug hirap kaming magpaalam kay daddy, for example may lakad kami sa ganito of ganyan pero banding huli, papayag at papayag din po s’ya. Ang sarap din sa feeling ‘yung pag-uwi mo galling school, may nakahanda ng pagkain. Hindi lang basta nakahanda, nakalagay pa sa plato tapos may tubig na rin sa baso at may sissue pa, saan ka pa? Mami-miss po talaga namin ang pagiging maalaga at malambing ni Daddy. Kahit wala siyang pera, magbibigay pa rin yun sa amin lalo na pag ‘yung tatlong maliliit ang nanghingi. One more thing na maganda kay Daddy ay yung sobrang pagiging generous niya lalo na pagdating sa mga bata. Minsan pag-uwi namin ni Aya galing school, nadatnan naming parang bahay ampunan na ang bahay sa sobrang dami po ng bata. Mga kapit-bahay po namin, palagi niyang binibigyan ng kung anu-ano. We also remember yung isa sa pinaka masayang kwentuhan naming with Daddy. May dream po kase kami, yung manalo sa lotto. Kinuwento po niya kung pa’no nila kukunin ni Buboy yung pera, wala na daw body-body guard, tapos marami pang iba.

Nakwento nya rin po kung pa’no niya inalagaan sina Tita Flor, Tita Porz at Tito John nung maliliit pa sila. Pati ung pagtatanggol ni Tita Cyd sa kanya nung may kaaway daw po siya. Pinalo daw po ng walis tambo ni Tita Cyd yung nang-aaway sa kanya. Palagi niya rin po pinupuri si Tito Nick sa amin. I remember yung last joke ni Daddy sa amin, “Dakilang Alaskador” yung title.. Si Tito Nick daw po nag-kwento nun sa kanya. Pati po yung sobrang pagmamahal niya kay Nanay at Tatay higit sa lahat kay Lord.. Pati po yung ex niya kinuwento na rin. Pero si mommy pa rin daw ang nag-iisa sa puso niya, s’yempre.

Kaya po sana, sa inyo na may mga daddy pa, ipakita niyo na kung gaano niyo sila kamahal. Kase po kami, wala kaming pinagsisisihan. Kase gaya ng lagi niyang bilin sa amin na habang buhay pa, doon mo ipadama at ipakita ang pagmamahal mo kaya ganun po kami sa kanya.

I know we’re not perfect children pero pinakita at nasabi po naming sa kanya kung gaano naming siya kamahal. It’s hard to lose a father but its harder for us to see him in pain.. and maybe there’s o such thing as perfect father, but for us, he’s the best dad and no one can ever replace him in our hearts. Most of all, sobrang thankful po kami kay God kase siya po ang nagging Daddy namin. Handa kaming lima na ipagsisigawan sa buong universe na ‘yang si Victorio Nicanor Dela Vega, yan ang daddy namin!

We love you very much, Daddy!

Keziah Lyn (extreme left) and her siblings together with her Mommy and Daddy.

2 Comments

  1. keziah and siblings sorry talaga , a hinde na kame na kapunta hanggang huli naalala ko nung new year .. iniwan nanamin kayo sa goron hghts at medyo nagtampo si tito vic kase umalis kaagad kme sana bumalik nalang kme.. andto kse kme sg,, singapore. e hnde n kme naksunod .. alay nalang namin saknya ung pag rosary namin every often night sana maintndhan nyo kami ni mommy at maky .. condolence ulet sa inyo at ni tita joy.. ingat kayo. ..

  2. we’re proud of you Keziah for having a talented and mabait na pamangkin..and of course very proud din sau daddy vic mo…we’re all very sad for his untimely demised but as what they say life must go on but his thoughts and memories will live forever…dito lang kami lagi to guide you…wag kau mag alangan o matakot lumapit sa amin, pag me problema kau kahit personal just let us know.,i want all of you to be close to us lalo na sa akin..You know how much painful din sa part ko na mawala daddy nyo kasi ako panganay, i know lahat ng weakness at katapangan ng daddy nyo..Mahirap tanggapin na wala na cya..We know how much he loved our family ayaw nya me naaapi sa atin di ba? sugod yan ng sugod kaya nga pag me problema di ko na sinasabi sa kanya..Isipin na lang natin nasa abroad daddy mo di ba? Keziah take care of your siblings ha mahalin mo sila mabuti..hanggang lumaki at magkapamilya kau dapt buo at tapat pa rin pagmamahalan nyo at magkasundo kau..mahalin nyo mommy nyo at alagaan at icipin nyo na buhay pa din Daddy nyo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s