Dalawang Tula

Isa. Naalala ko lang

Naalala ko lang
Nang makilala ka
Akala ko simpleng hi, hello lang
Simula pala yon ng pambihirang karanasan

Mabilis ang paglalakbay ng ating pagkakaibigan
Maraming pinag-usapan, tinuklas sa pagitan ng tanungan
Kwentuhan, kasaysayan ng ating nakaraan
Nagpalitan ng pangarap, mga duda sa kinabukasan

Naalala ko lang
‘Yong hiwagang naramdaman ko
Nang una kong makita ang larawan mo
Dagundong ng damdamin ang narinig ko

Mga tawanan sa mga pahina ng liham
Damdamin sa himig ng mga tula at awit
May munting tampuhan ding di naiwasan
Na naayos din dahil nagkaunawaan

Naalala ko lang
Nang napakinggan ko ang tinig mo galing sa malayo
Pangalan ko tinawag mo
Hanggang ngayon tila naririnig ko

Maraming beses ko na ring sinulat ang pangalan mo
Sa papel, sa computer, sa kahon
Pati sa buhanging kulay-puti
Ng pinakamagandang tabing-dagat sa lahat

Naalala ko lang
Unang hakbang sa tinahak makita ka lang
Dala kong pangarap parang di pa sapat
At ang pagkabigo dahan-dahang nalimot

Di pa rin tumitigil sa paghakbang
Na marating ang lugar kung nasaan ka
Dahit sa simple pero masidhing pagnanais
Na mayakap ka ng mahigpit

Naalala ko lang
Ang kahulugan mo sa buhay ko
Di na mabubura, si malilimot lalo na
Dumaan mang tadhanang sadyang mapagbiro

Mahal kita
Alam ko, alam mo yan
Mahal na mahal kita
Paalala ko lang…

Dalawa. Salbahe ka talaga

Salbahe ka talaga….galing mo magpaiyak..
tula man yan o kanta, habang binabasa
luha tumulo na… todo buhos hindi mapigilan
salbahe ka talaga , galing mo magpaiyak…

tanong ni … bakit ako umiiyak at kung may masakit ba?
tugon ko naman…malungkot na story aking nabasa
Mamaya gayun din ang sasabihin sa nanay na mag uusisa
wag sana ipagbawal pagpunta sa internet na nagbibigay luha

ilalagay ko ito sa aking blog…
ilalagay ko din sa aming club
maski pinaiyak ako ng walang humpay
pinakamagandang tula na aking nabasa sa tanang buhay.

sasagutin kita ng isa pang email pag akoy nahimasmasan na
inom muna ng maraming tubig dahil di na makahinga
sa ngayon ay salbahe ta talaga at mahal na mahal din kita…
dahil ako ay pinaiyak mo sa tulang alay sa buhay kong aba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s