The Duchess of Tupperware

tupperIn international relations, merong diplomacy.  Kahit gusto nang mag-ubusan ng lahi, pag nasa UN at kaharap ang ibang bansa, behave dapat. Kapag sosyalin ka, savoir-faire ang term. Syempre dapat civil kase nasa alta sosyedad kuno-kuno.

Pero kahit anong term pa ang gamitin isa lang ang gustong tukuyin. Dahil sa totoo lang, di natin maalis na maging plastikada, tupperware, orocan, melamine, polyethylene sa mga taong kinaiinisan natin. Kahit ayaw mong makita ang pagmumukha, kahit ayaw mong makipag-usap dahil t’yak na masasayang ang oras mo, nandyan at itutulak kang maging hipokrita. Magpapakitang tao ka, edukada at may breeding kahit gusto mong na syang buhusan ng kumukulong lahar.

Kahanga-hanga din naman ang mga taong mahabaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ang pasensya sa mga taong nakakainis pakisamahan. Challenge daw ‘yon, test of character. Ewan!

Sa gabing ito, ako ang Duchess of Tupperware. Di naman kase ako p’wedeng maging Reina Plastikada kase wala kong sariling kaharian. Buti na lang at sandaling-sandali lang ako nakipag-orocan. Twenty minutes land siguro. Pero kung sasabihin ko lang kung bakit ako inis na inis sa taong ‘yon, baka hari na si Prince William eh hindi pa ko tapos sa litanya ko!

*Photo from Tupperware

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s