Pang-Twilight, Hinde

pict0011May mga kwentong ng kababalaghan na di malilimutan. Minsan akala mo pinaglalaruan ka ng mga nilalang o ng iyong isipan. At dahil ilang minuto na lang eh tapos na ang Friday, the 13th, naalala ko yung isang pangyayari isang araw matapos ang petsang ‘to. Sa title pa lang ng entry na ‘to, obvious na walang kinalaman do’n ang sasabihin ko. Maniwala ka.

One fine Valentine’s day, ah gabi na pala ‘yon, nakasakay ako sa jeep pauwi sa bahay. Isang pasaherong babae, di ba dapat pag-babae dapat pasahera? Kase kung may tindero, may tindera; doctor, doktora; abogado, abogada; luko-luko, luka-luka; at iba pa. Sa madaling salita, isang babae ang umakyat sa jeep na may dala-dalang malaking bouquet of flowers. Iba-ibang klase ng bulaklak at iba-ibang kulay. Mukhang mamahalain kase pag-arrange pa lang, ang hitsura eh ‘yong binibigay sa Bb. Pilipinas winners kapag announcement of finalist na. Maganda naman ang babae, mga 20 to 25 years old at naka-pustura. Obvious na galing sa date.

Sa pag-upo nya, ‘yong dalawang katabi n’ya sa kaliwa’t kanan eh halos matabunan na ng mga bulaklak. Na-conscious ang gerlash, kase pinagtitinginan na s’ya ng lahat ng pasahero. Habang umaandar ang jeep, di maiwasan na medyo nasasagi ng mga katabi nya ang bouquet kaya halos kakapin na n’ya ang bouquet. Palibhasa magkaharap kami, medyo nangingiti ako at napansin ko na yong ibang pasahero eh ganun din. Ano kaya ang iniisip nila?

“Miss, pamigay mo kaya ibang flowers para ‘di ka mahirapan. Akin yung white and pink ha.”

“Miss, ba’t naman di ka hinatid ng ka-date mo? Nagkulang ba ang budget para sa pang-taxi? Ayan tuloy, hirap kang magdala ng flowers mo.”

“Miss, sa ganda mong ‘yan, tama lang maganda ang flowers mo. Pero mas maganda sana kung may sarili kang car para di kami nasusundot ng bouquet mo. Tingin ko tuloy pang-burol yan at di pang-balentimes! Hmp!”

“Miss, dahil binigyan ka ng flowers, alam mo ba ay kapalit nya’n ay flowers din???”

“Miss, sigurado ka ba na ikaw lang ang binigyan ng ganyan ng ka-date mo. Eh yung kapitbahay namin, ganyang ganyan yung natanggap kanina eh. Di kaya ka-date sya ng ka-date mo kanina?”

At habang nag-iilusyon [at naiinggit] ang ibang pasahero, ano naman kaya ang iniisip ng magandang gerlaluh na tawagin na lang nating Miss Walking Flower Base.

“Pasensya na mga co-passengers, ganito talaga ang maganda, minsang kelangang mag-sakripisyo at magdala ng magandang mga bulaklak. At least enjoy naman kayo sa kaka-usyoso sa ganda ng flowers ko.”

“Gosh, ba’t ba hindi na lang ako nagpahatid kay Mr. ___ dahil ba mas mukha syang maganda kesa sa kin?”

“ Kala n’yo lang saken ‘to pero ang totoo, sa boss ko ‘to. Ni-rescue ko lang sa basurahan.
Nalaman n’ya kase na tatlo silang Valentina sa buhay ng mister nya at ang masakit daw eh pare-pareho pa ang ibinigay sa kanila. Eh di labas lahat ng ahas sa ulo ng boss ko, sabay tapon sa basurahan at sugod sa mister n’ya. Kung ano ng nangyari sa kanila. Wiz ko na alam. Sayang naman the flowers, eh daming lalagyan sa bahay haha. Bigla tuloy mukha akong nagka-date kahit zero ang lovelife ko. Di po lahat ng maganda may ka-date sa Velentine’s Day..

“Naku, pa’no ko itatago ‘to pagdating ko sa bahay? Ang alam nila hindi kami magdi-date ni Mr. Kumag? Lagot ako, mamamatay ako sa tukso at sasabihin nilang isang bouquet lang pala ang katapat ko. Di bale, ipapamigay ko na lang ‘to pagbaba ko sa jeep.”

“Well, ladies and gentlemen. I used to give flowers before pero ayoko nang labanan ang sarili ko, mainit at malungkot sa loob ng closet. At kung si Rustom Padilla eh Bb. Gandanghari ako naman ay si Bb. Gandangprinsipe. Salamat po doctor at feeling gerlaluh na akwo!! Haha! Inggit kayong mga mojer anwo??”

Nang pumara ang babae, center of the universe, of attraction s’ya syempre. All eyes ang audience. Pigil hininga habang medyo hirap sa paglabas ng jeep. Pati yata driver naki-usyoso kase di agad umandar ng mga isang taon ang jeep.

Nung nakababa na s’sya, may lumapit na lalaki, siguro nag-aabang sa kanya kase pareho silang nakangiti nong magkita sila. At sabay bigay nya ng flowers sa boylash!

Ang katabi ko naman, biglang hagikgik. Eh di napatingin lahat kaming mga pasahero sa kanya. Isip ko, aba matindi ang pagiging captive audience nito ah!

At dahil umandar na ang jeep, kaya di ko na alam kung ano ang mga sumunod na pangyayari kay Ms Walking Flower Base.

Di ba sabi ko hindi pang-Twilight ‘to. Naniwala ka na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s