Litratong Pinoy 016: Tsokolate

lpbutton

pict0491

Kumusta mga ka-LP!

Dahil masarap ang ang ating tema sa linggong ito, kwento ko muna sa inyo kung saang lupalop nanggaling ang mga chocolate na nasa unang larawan:

Ritter Sport [hilaga] sa Toronto, Canada galing sa kaibigang kong si Em; Choco Mucho [silangan] sa kaibigan ko sa trabaho, sa Silangang Distrito ng Pasay; Snickers [kanluran] sa kapatid kong nasa California; at Turkish Delight [timog] dala ng kaibigan ko galing Australia. Lahat ng mga ‘yan ubos na ngayon🙂 ‘Wag sana silang magsawa sa pagbibigay sa akin ng chocolate kase ako hindi magsasawang kumain haha!

At bukod d’yan, may mga collection din ako ng mga chocolate moments…

im004079

Ang Black Forest na ito ay para sa 1st birthday si Bato-Bato Pik noong September 2008. Nag-celebrate sya sa Toronto, nag-celebrate din kami dito sa Manila.

pict0856

Noong nakaraang Biernes, nagpunta kami sa SM Mall of Asia ng aking kaibigan at napadaan kami sa Krispy Creme. Una ko agad napansin yung chocolate curl heart nila! Eh di labas agad ng camera at click-click! Di mahilig sa kodakan ang crew nila ano?🙂

pict1181

At habang ginagawa ko ang post na ito, ako ay nagpapasasa sa Curly Tops na yan.

Salamat sa pagbisita! At kung nais n’yo pang makatikim ng tsokolate, punta lang kayo dito.

16 Comments

  1. Iba na talaga pag maraming kaibigan — angsaya kapag nabibigyan ng pasalubong! Mas lalo mo silang mamahalin *lol*
    Ang curly tops ang paborito kong tsokolate noong maliit pa ako — kaya nga nung makita ko na available ang curly tops sa Filipino store dito e bili kaagad ako!

  2. ay curly tops ng buhay ko!! namiss ko bigla…maski chocknut namiss ko din bigla…

    matamis at temang pang valentine ang inyong post ngayon!! baka bigla kayong langgamin!!!

  3. Yum yum blackforest cherry cake! Mas gusto ko ang timplang pinoy nyan kesa yung orig, maasim! lol. Anyway miss ko na ang curly tops…naku naman andami ko nakitang mga tskolate na gusto ko sa pagiikot ngaoyn round! Happy LP!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s