Today’s lesson

pic-jan-24-09

“We kept on reminding her to look for another job because we knew that teaching in a remote island is not safe. But she told us that she is happy with her work”

– Victorio delos Reyes,
father of Janetter de los Reyes, one of the kidnap victims
for the complete story,  click the Philippine Daily Inquirer

I hope and I pray for the safe return of Ms. Janette de los Reyes, Mr. Rafael QuiMayonado, and Mr.  Freires Quizon of Landang Gua Elementary and Integrated High School in Zamboanga City.

Wala talagang patawad ang mga animal na kidnappers na ‘to. Sana naman, ang mga taong dapat tumugis sa kanila eh ginagawa ang lahat ng makakaya nila para mabawi ng matiwasay ang mga guro. Hindi na nga madali ang magturo sa lugar nila dahil sa distansyang ng kanilang paaralan, tapos haharap pa sila sa ganitong panganib at kapangahasan.

Habang tayo ay naghahanda para sa ating aralin bukas, nag-iisip kung pa’no mabibigyan ng panibagaong inspirasyon ang mga munting isipan na umaasa sa atin sa loob at labas ng silid aralan, nakikibaka para magbigay ng liwanag  at maging gabay sa pagtawid sa tulay patungo sa kamalayan, sina Ms. de los Reyes, Mr. Mayonado, at Mr.  Freires ay nakaharap sa napakatinding pagsubok sa kanilang buhay. Hindi ko naman sila kilala ng personal but we have things in common. At ang napakahirap talaga tanggapin ay kung bakit kailangan nilang danasin ang ganitong panganib.😦

***********

Update: January 27, 2009 – Pay up or else, abductors warn by Julie S. Alipala
Philippine Daily Inquirer

2 Comments

  1. Nakakalungkot naman na isipin kung bakit kailangang idamay ang mga guro at inosente sa pakikilabang mali ang kaparaanan. Panalangin na malampasan nila ang ganitong pagsubok at hustisya para sa katahimikan ng mamamayang pilipino.

    “bakit kailangan nilang danasin ang ganitong panganib” — magandang tanong para sa mga taong pinagkatiwalaan na mag taguyod ng katahimikan sa buong bansa.

  2. kung ginagawa ng maayos ng mga alagad ng batas at ng militar ang kanilang trabaho, di sana nangyari ang ganyan. parang cottage industry na ang kidnapping sa ibang bahagi ng mindanao pero parang natutulog lang sila sa pansitan. ang dami nang nabiktima at nagbuwis ng buhay pero ganun pa rin, parang kabuteng sulputan ng sulputan ang mga hayop na kidnap for ransom groups.

    wala namang ideology na pinaglalaban ang mga KFR groups. pera-pera lang ang usapan, and they are plain robbers and thieves.

    nakakalungkot talaga dahil wala pang balita sa mga teachers hanggang ngayon😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s