LP 011: Maalala mo kaya?

piko

Siguro ang Ate Joy ko ang nagturo saken kung pa’no maglaro ng Piko. Sa totoo lang di ko matandaan🙂 pero ang alam ko, ito ang isa sa pinakapaborito kong laro no’ng bata pa ako. Paramihan pa kami ng ‘bahay’ tapos pag nalagyan na ng ‘bahay’ ang lahat ng boxes, sa labas naman ng boxes namin guguhitan ng mga ‘bahay’ hanggang sa parang bulaklak na ang Piko.

piko1

Kahit sino pwedeng maglaro ng piko. Kaya nung iginuhit ko ito no’ng Linggo sa kalsada malapit sa amin, di mapigilan ng dalawa na maging curious lalo na si Jed.

im004490

Nang makita ng kapatid kong si Coset [nagmukya daw syang si Sadako haha] ang drawing sa labas ng bahay, di naman n’ya mapigilan na humakbang at ipakita kay Uno kung pa’no ito laruin.

piko2

At may makakalimot ba kina Steve, Jamie, Mark, Big Bert, Little John at Prince Zardos? Kapag naririnig ko ang theme song ng Voltes V, di ko mapigilan ang sumabay sa pagkanta. Hindi kumpleto ang alaala ng aking kabataan kung wala ang Voltes Team. Natatandaan ko pa, nagdadala ang tatay ko sa bahay ng mga freebies na VoltesV na galing sa Purefoods Hotdog tulad ng coloring book at sombrero na hugis ng ulo ng Voltes V.

Ang larawan sa ibaba ay hindi robot kundi isang coin bank na hindi ko matandaan kung saan ko nabili matagal na panahon na ang nakaraan. Di pa yan nakikita nina Uno ang Jed kase pinakatago-tago ko talaga. Pag nakita nila yan sabay silang sisigaw na ‘robot!’ pero ipapakilala ko ito bilang si Voltes V. Let’s bolt in! Ta-na-ta-tana-tantan!!

im004503

Maganda ang mga tanong ni Teacher julie na nasa Litratong Pinoy ngayon. Kaya hayaan n’yong ibahagi ko sa in’yo ang aking mga kasagutan.🙂

1.. Ano ang paborito mong palabas sa TV?
 – Sesame Street, Voltes V, Charlie’s Angels, Little House on the Prairie, Kaluskos Musmos, Sine Syete,  [ang una naming TV ay black and white na may wood cabinet din]

2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula?
– Si Nora, Vilma, Melissa Gilbert, Donnie and Marie
– Darna and the Giants

3.. Ano ang paborito mong meryenda?
– Milo, banana q, fish ball, nilagang mais, halo-halo

4.. Ano ang paborito mong babasahin?
– Aliwan Komiks, Reader’s Digest, Plain Truth, Evening Post

5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan?
– Luneta, Manila Bay

6.. Sino ang iyong pers crush?
– Si Phoenix Brown Jr., classmate ko nung kinder anak ng ‘kano.

7.. Sino ang iyong best prend?
– Ang Ate Joy ko

8.. Sino ang iyong paboritong guro?
– Si Mrs. Vargas, Miss Ignacio at Miss Barcenilla

9.. Ano ang iyong paboritong laro?
– Piko, putbol, syato, luksong lubid, chinese garter, taguan, sipa, jolens, agawang bahay

10.. Meron ba kayong alagang hayop noon?
– Si Jinky ang una naming house pet

HAPPY LP TO ALL!
Narito ba ang ibang magagandang larawan kaya bumisita na!

23 Comments

  1. Yang Kaluskos Musmos na yan, every Saturday, sila Bistek at Maria😀

    Hmmmm…mukhang magkasing-edad tayo ah. Wala na yatang naglalaronung mga larong pambata na yan. Gusto ko din yung “pepsi, Mirinda, 7Up” tapos lilingon yung taya, kapag gumagalaw pa ka, out ka na😀

    Sabi ng anak ko, “Nay ano yung drawing? Hopscotch?”😀

  2. Hi Jules!
    Pers honor ako pagdating sa piko e *lol* yan ang sabi ng nanay ko. Halos kasi araw-araw naglalaro ako ng piko – sa school pag recess hanggang sa pag-uwi ng bahay pagkatapos ng klase piko pa rin ang inaatupag ko. Piko, game and watch, at hula hoop – dyan ako magaling!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s