Litratong Pinoy #10: Kadiliman


Ang larawan ay kuha sa loob Hinagdanan Cave sa Dauis, Bohol. Ang pagpasok sa kweba ay pababa at ang daanan ay madulas, masikip at makipot. Bukod sa isa-isa lamang ang makakapasok at makakalabas, kailangang kumapit sa hawakan na nakakabit. 

Sa loob ng kweba ay may batis at noong kami ay nagpunta, may mga batang masayang-masayang naliligo. Ang mga kasama ko ay nagawang makarating sa kabilang bahagi ng batis pero ako ay hanggang sa bukana lamang sapagkat kinakabahan ako sa dulas at dilim ng daanan.

Sa gitna ng kadiliman ay may liwanag na kumakaway. Kung gusto mong makatikim ng masarap na inihaw na manok, d’yan ka magpunta sa Bojol Grill na matatagpuan sa Tagbilaran City, malapit sa plaza. Dito kami nagpunta at nag-dinner ng aking bagong kaibigan na isa ring blogger :-)  pagkatapos namin unang magkita sa Bo’s Coffe Club. Actually, wala akong dalang camera nung nagpunta kami dito, binalikan ko na lang ito nang sumunod na gabi.

Maligayang Huwebes mga kaibigan at mga Ka-LP!
Dito makakakita pa kayo ng mga magagandang larawan. Punta na!🙂

19 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s