LP #007: Kalayaan

Saan mo unang natutuhan ang kahulugan ng salitang kasarinlan?

Sino ang unang nagturo sa iyo ng mga kabayanihang ginawa ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay upang makamtan ang kasarinlan mula sa mga mapang-aping dayuhan?

Ito ay isa sa mga watawat na makikita sa ibat-ibang bahagi ng aming paaralan. Sa araw na ito, pag-uusapan sa mga silid-aralan kung paanong nakamit ng ating bayan ang kasarinlan at ang kahalagahan nito sa bawat Pilipino.

Nakamit na natin ang kasarinlan subalit hanggang ngayon ay ipinaglalaban pa rin natin ang tunay na kalayaan.

11 Comments

  1. totoo ang iyong akda! sa paaralan nga!
    magandang huwebes sa’yo!

    ===================================================================

    Hi Lidie! Salamat sa pagbisita. Magandang Huwebes din sa ‘yo. Maligayang Araw ng Kasarinlan!🙂

  2. nice… ang ganda naman ng composition mo sa larawan… maligayang araw ng kalayaan…:)

    =============================================================

    Salamat Lino. Maligayang Araw ng Kalayaan din sa ‘yo🙂

  3. Ang ganda ng pagkakakuha mo!

    Ang aking LP ay nakahain na rin sa blog na ito:
    Shutter Happenings

    Sana’y makadaan ka. Salamat!

    =================================================================

    Salamat sa pagbisita, ShutterHappyJenn. Nakita ko ang lahok mo at masasabi kong makahulugan ang simbolo ng watawat na ipinakita mo. Maligayang Araw ng Kasarinlan

  4. Tunay na makahulugan ang iyong isinulat. Nagtatanong at humahamon sa aming kaisipan. Ano nga ba ang kalayaan at sino ang mga bayani? Bawat isa ay may kanya kanyang kuro-kuro o opinion.

    sa araw na ito… tama lamang na balikan at gunitain kung ano nga ito at gaano ito kahalaga sa ating buhay.

    mabuhay kaibigan…

    ====================================================================

    Iba-iba ang kahulugan ng kalayaan. Depende sa pananaw sa buhay ng nagbibigay kahulugan.

    Noon, ang mga bayani at martir ay ang mga nagbigay buhay upang mapalisan ang mga mapang-aping dayuhan. Ngayon, ang mga bayani ay ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat at nakikipagsapalaran upang maitawid sa gutom ang ekonomiya ng Pilipinas.

    Sino naman kaya ang mga martir sa ngayon?

    Maligayang Araw ng Kasarinlan, Em…

  5. sa biglang tingin, animo nasa loob ng bilog ang bandila… hindi pala…galing!

    =================================================

    Salamat, Betchay. Ako ay nakatayo sa ikalawang palapag ng building namin. Ang watawat na nasa kabilang building ay aking natatanaw. At sa pagitan ng dalawang building ay ang aming school ground.

    Bahagi ng rehas ang bilog na iyan na nasa aking harapan ng kunan ko ng larawan ang bandila.🙂

  6. Ganda ng komposisyon – parang nakalutang yung watawat sa gitna ng bilog🙂

    ====================================================

    Salamat sa pagbisita, Pinky. Tiniyempohan ko ngang hindi umuiihip ang hangin para flat lang ang itsura ng watawat. Malakas din kase ang hangin nang oras na kumukuha ako ng larawan.🙂

  7. ang ganda ng composition mo, magandang ginamit mo ang bilog sa rehas para ‘ikulong’ ang watawat.

    at tama ka, paaralan nga natin unang nalaman ang ukol sa kalayaan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s