Litratong Pinoy 005: Tubig

Umuulan noong araw ng Martes sa Tanauan, Batangas. Una ay tikatik lamang, pagkatapos ay bumuhos ang napakalakas na ulan na tumagal halos ng dalawang oras. Matapos ang ulan, ako ay naglibot-libot sa aking kinalalagyan at kumuha ng ilang larawan sa kapaligiran.

Ang higit na nakatawag pansin sa akin ay ang mga yellow bells na para bagang nanunuya sa tingkad ng kanilang kulay. Ang mga patak ng tubig ulan na bumabalot sa kanila ay lalong nagbibigay akit sa sino mang tumitingin.

Ang mga larawan ay kuha sa Tanauan South Central School, Tanauan, Batangas.

Kung nais mo pang matunghayan ang ibang kalahok sa Litratong Pinoy, pumunta dito.

17 Comments

  1. Matagal ko ng di nakikita ang mga bulaklak na ito. Maganda ang an pagkakakkuha sa kanila na basa pa! Gandang huwebes sayo!

    (P.S. Nakita ko sa listahan mo ang kaibigan kong Pinay Brodakster, maliit na mundo at mundong blogos hehe).

    Bihira ko ring makita ang yellow bells kaya nang nagkataong namataan ko ito ay kinunan ko agad ng larawan. Tamang tama naman at katatapos lang ng ulan.

    Matagal ko na ring sinusubaybayan ang blog ni Pinay Brodkaster kase mahusay syang magpahayag ng mga idea. Small world!๐Ÿ™‚

  2. Napakagandang yellow bells! at presko pa!

    Mabuti naman at nag uulan na ulit dyan… para naman mabawasan ang init ng panahon.

    Ang ulan ay tagapagdala ng mga ala alang malumanay.

    Maligayang araw (ulan?) sa iyo!

    Ang ulan na pumapawi sa hapdi ng tag-araw ay nagdadala din ng alaala. Mga alaalang nagbibigay kulay sa ating buhay. Maligayang Araw din sa ‘yo, Em!

  3. fresh na fresh tingnan ang mga bulaklak, nakakatuwa!

    happy weekend!

    Tama ka. Christine. Para silang mga munting bata na naglalaro sa mga tangkay ng halaman. Happy Weekend!๐Ÿ™‚

  4. ang ganda ng pagkakuha mo sa mga yellow bells! kitang kita ang bawat butil ng tubig. =)

    taga Tanauan ka pala? hehehe… taga doon din kasi ako eh. dun lumaki nanay ko. =)

    Salamat, Colby. Nang tumila ang ulan, nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit sa mga bulaklak. Hindi ako taga Tanauan, napasama lang ako sa isang pagtitipon ng mga guro sa TSCS.๐Ÿ™‚

  5. ayayay, gumamela! tandang tanda ko eh madalas akong pumitas nyan noon para gumawa ng bubbles. hehehe๐Ÿ˜‰

    Ay mukha lang silang gumamela, pero yellowbells sila, Sardonicnell. Ng unang tingin ko rin akala ko eh gumamela sila๐Ÿ™‚

  6. ganda ng bulaklak…sensya na late ako mag comment for LP…

    gandang weekend po hanngang sa susunod na LP๐Ÿ™‚

    Salamat, Jeany. Ako din late sa pag-comment sa mga ka-LP. Happy Weekend!

  7. tikatik!๐Ÿ˜€

    naalala ko tuloy ang tatay ko..sa kanya ko naririnig yang term na yan e.๐Ÿ™‚

    Ulan lang yata ang pwedeng gamitan ng salitang ‘tikatik’๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s