Litratong Pinoy #004: Umaapoy

May hihigit pa ba sa init na idinudulot ng siling labuyo (Capsicum frutescens) sa hapag kainan? Sa mga Bicolano, ito ay lada, silit diablo naman sa mga Ilokano. Bukod sa anghang na idinudulot nito, marami rin itong benipisyo sa kalusugan ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research.

Ang paborito kong chitchiria na maanghang ay Oishi. Malutong, malinamnam at kakaiba ang lasang idinudulot ng sili na kasama sa mga ingredients nito.

Hot sauce naman ay nagbibigay sipa sa ibat-ibang klase ng pagkain. Ang pinaka gusto kong lagyan ng hot sauce ay ang pizza.

Magandang Huwebes sa inyong lahat!

27 Comments

  1. ay syang tunay! mainit nga iyan…sa dila! at paborito ko iyan crackers naiyan, oishi rin ba ito o ibang tatak?

    hi ces! di ba okay sya sa lutong?! oishi pa rin at patok pa rin sa lahat!

  2. Ay!!! Ngayon ko pa lang nakita ang maanghang na Oishi! Umaapoy sa bibig yan! Gandang Huwebes!

    Hi G! Merong spicy oishi dito sa amin pero ang alam ko sa ibang groceries wala talaga. Happy Weekend!

  3. pag hindi pa umapoy ang dila pag kinain yah eh ewan ko na lang…hehehehe

    happy huwebes..:)

    hi emoterang nurse! pag sandosenang packs ng oishi talagang aapoy, kaya ako hanggang isang pack lang! happy huwebes din!πŸ™‚

  4. Aba, ok yan, type ko din ang Oishi na red, at ang maglagay ng hot sauce sa pizzaπŸ™‚

    Magandang Huwebes sa iyo!

    Hi Julie! Tukaya! Tapos sabay inom ng San Mig Light, ayos di ba?! Magandang Huwebes din sa yo!πŸ™‚

  5. Natuto akong kumain ng maanghang noong nagpunta kami ng kaibigan ko sa Thailand. Doon ay talaga namang kinakain ko ang sili, samantalang dati ay hindi mo ko mapapakain ng kahit anong maanghang. Ang patis nila ay automatic na may nakababad na sili din.πŸ™‚ Kaya ngayon ay mahilig na din ako sa maanghang na pagkain.

    Alam niyo ba na ang ibang mga gulay na akala natin ay pang-dekorasyon lamang sa pagkain ay minsan inilalagay doon para maalis ang anghang sa bibig? Wala lang, na-share ko lang. Hahaha

    Magandang Huwebes!

    Hi Buge! Ay sa Thailand talagang karamihang sa mga ulam eh maanghang. Uy, ano kayang mga gulay yon? Magandang Huwebes din sa ‘yo!πŸ™‚

  6. Hi Jules! Todo sa init ang lahok mo ha!

    Ewan ko ba, di talaga ako gaanong mahilig sa maanghang e – pakiramdam ko namumusalga ang labi ko at pinagpapawisan ng sobra kapag masyadong mainit ang nakain ko.😦

    Isang umaalab na Huwebes sa iyo! Ikain mo na lang ako ng Spicy Oishi mong sinawsaw sa sukang may sili…πŸ˜‰

    Hi Pinky! Medyo lang! Basta ako depende lang sa pagkain. Pero pag Oishi, type ko talaga ang spicy. Sige, ikain na lang kita ha! Isang umaalab na Huwebes din sa ‘yo!πŸ™‚

  7. alam mo bang ginagamit namin yan na pampatay peste sa mga halaman?

    see u next LPπŸ™‚

    Hi Cookie! Alin? Ang sili, hot sauce o Oishi? Parang okay yata yan! See you next time!!πŸ™‚

  8. uy! peyborit namin ni hubby yang oishi na red. kasabay ng napakalamig na coke. saktong sakto lang. hehe

    ikaw na yata ang may pinakamaanghang na lahok!

    happy LP sa iyo!


    hi hazel! masarap talaga ang spicy oishi pag may malanig na pangtulak! tatlo yata kaming may entry na siling maaanghang! parallel universe hehe.. happy LP din sa ‘yo!πŸ™‚

  9. ayos! pinaghandaan at talagang pinaganda ang lahok!.. kung sa totoo, hindi ko ata kakayanin ang oishi na may hot sauce at siling labuyo pa..hehe.. wala lang naisip ko lang bigla.. hai. parang gusto ko tuloy ng maalat!

    Maayong Huwebes!


    hi akathinitis! naisip ko sili lang muna tapos naalala ko ang favorite kong oishi plus hot sauce. Maayong Huwebes! Taga-Bicol ka ba?πŸ™‚

  10. naku sa lahok mo, bigla kong na miss ang bansa na gusto kong tirhan pag tanda ko, Thailand.

    talagang nagbabaga ang lahok mo ngayong huwebes na ito..at ako din pala, gustong gusto ko tobasco sa pitsapayπŸ˜€


    Hi Suplada! Sikat nga ang Thailand sa mga kaanghangan. Solve talaga ang pizza pag may hot sauce!πŸ™‚

  11. Jules, pareho nga tayo ng entryπŸ™‚ Kaibahan lang natin ay hindi ako mahilig sa maanghang na pagkain, hinid katulad mo na mukhang kaya-kaya ang apoy ng isang labuyo.

    Happy lp sa iyoπŸ™‚

    Eh di apir tayo! Naku, minsa-minsan lang naman, Leap of Faith!πŸ™‚ Happu LP din sa ‘yo!

  12. yun pinadala sa akin ng mother in law ko last week oishi na di maanghang, yan ang request ko next time!
    kakamiss!

    yung anghang na matitikman mo ay magpapa-alala uli sa ‘yo ng Pilipinas!πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s