The Boys of Reason Update

JODRIAN ALEXANDER

Balik uli sa dating kalikutan at katakawan si Jed. Tinutubuan kase ng ngipin kaya naging matamlay at maselan sa pagkain. Isang taon, limang buwan at apat na araw na sya. Marunong na siyang mag-demand. Kapag may gusto at hindi maibigay, naglulupasay, iiyak ng pagkalalakas-lakas at hindi agad mapatahan. Paminsan-minsan lang naman yon. Most of the time, happy and jolly baby sya with his usual killer smile.

Wet-kisser pa rin si Jed, mahilig sumayaw na parang kangkarot na trumpo. Ang pinaka-nakakatuwa sa kanya ang ang pag-ulit nya ng mga sinasabi sa kanya na tulad ng mommy, daddy, nanay, tatay. Pero pag sinabing ‘kuya uno’, ang sasabihin n’ya ay ‘bebe’. Kahit ilang beses ulitin ang ‘kuya’. ‘bebe’ pa rin ang sasabihin n’ya.

Nagtataka nga kami. Naalala ko nung nasa sinapupunan ko sya, baby pa si Uno. Ang tinatawag ko kay Uno ay ‘kuya baby’ o kaya ay sinasabihan ko syang ‘kuya na, baby pa’. Wala pa kaseng isang taon noon si Uno ay nasundan na. Naisip ko na bakit kaya ganun? Kung naririnig ni Jed ang sinasabi ko kay Uno noon nasa tummy ko pa sya, na-retain kaya ‘yong ‘baby’ sa brain n’ya? Bakit kaya maski ituro ko lang ang Kuya Uno n’ya eh ‘bebe’ pa rin ang sinasabi n’ya?

Mahilig na rin s’yang magsalita ng ‘bok’ sabay turo sa mga libro ko. Kapag nahawakan n’ya ang big book n’ya na halos luray-luray na ang cover, feeling na rin n’yang magbasa at ang favorite picture n’ya ay car. Kapag hawak ni Uno ang crayons n’ya, mang-aagaw pero hindi isusulat kundi titikman! Hindi naman n’ya kinakain pero kapag nakikita naming isusubo na sa bibig ay talagang inaagapan namin.

S’ya pa ring ang unang natutulog tuwing gabi at unang nagigising sa umaga. Kapag nagising sya sa umaga, kailangan gising na rin ako dahil sisigaw sya at maghahanap ng milk.

Gusto na ng lola n’ya na pagupitan ng buhok pero sabi ko ‘wag muna kase gusto kong may bangs. Isang beses pa lang kase sya nagugupitan at kasama noon ang lola n’ya. Walang dalang camera kaya walang souvenir ng first haircut n’ya unlike kay Uno dahil magkasama kami. Pag nagpa-haircut si Jed, gusto ko magkasama kami para may kodak moment sya sa kanyang second haircut.πŸ™‚

JOHN BENEDICT

Si Uno hindi nakakatulog sa gabi na hindi katabi ang Curious George Learns the Alphabet book n’ya. Mula nang ibinigay ko sa kanya, iyon na ang naging paborito nya. Ang una n’yang na-recognize na object sa book ay balloon, doughnut, and apple. Gustong-gusto n’yang makinig kapag nagku-kwento ako tungkol sa mga pictures na nakikita n’ya sa mga pages. Na-recognize na n’ya na rin ang picture ng flower dahil minsan ay may ipinakita ako sa kanyang bulaklak sa halamanan ng lola n’ya. Siguro na-retain ang experience na yun sa isip n’ya kaya ng makita n’ya ang picture sa book ay alam n’ya na flower yon.

Kung minsan, habang hawak ni Uno ang book, haharap sya sa Alphabet Chart na naka-post sa pintuan at titingin sa book. Sa obserbasyon ko, kino-compare ni Uno ang mga letters and objeccts na nakikita n’ya sa book at sa chart. Hindi naman s’ya nagtatagal sa ganung eksena. Matagal na ang 15 minutes.

Pag dating naman sa numbers, ang nasasabi pa lang n’ya ay one, two, ‘teven’ [seven], eight, nine, ten.

Binigyan ko sya ng Spiderman coloring book and drawing book, crayons, pencil. Noong unang beses na ginamit n’ya talagang very excited sya. Ayaw n’yang pahawakan sa akin ang kamay n’ya para i-guide ko. Gusto n’ya, sya lang mag-isa ang gagawa. Lines pa lang ang kaya nyang gawin at magkulay ng magkulay na parang abstract. Wala pa syang concept ng space sa papel kaya lahat ng output n’ya ay mistulang kinahig ng luka-lukang manok.

Maselan kumain ngayon si Uno dahil tinutubuan ng ngipin. Kahapon nga ay may sinat mag-hapon. Pero kahit may sinat ay grabe pa rin ang kalikutan. Away-bati sila ng mga pinsan nyang mga babae na sina AC and Gutz. Pagmagkukulitan kailangan laging babantayan kase pag nag-umbagan, talagang may iiyak.

The Boys of Reason

Natutuwa akong pagmasdan ang mga boys lalo na kapag naghaharutan sila. Marunong na silang mag-wrestling at ang saya-saya nila pag ganun ang ginagawa nila. Kailangan ko lang bantayan kase baka magka-daganan. One to two inches lang siguro ang diperensya ng taas ni Uno kay Jed. Mas malaki naman ang body build ni Jed kesa kay Uno.

Di naman sila mapagkakamalang kambal dahil ang kulay ni Uno ay nakuha sa akin samantalang ang kay Jed ay sa daddy nila. Si Uno bilog ang mata, samantalang si Jed eh medyo singkit.

Minsan nakakapagod mag-alaga sa malilikot na boys. Nakaka-tense kapag nadapa, nahulog o maysakit. Pero kasama yon sa role ko. Every night I pray na sana lagi silang okay. Marami akong pangarap para sa kanilang dalawa. Minsan nagkakaroon ako ng anxiety dahil sa uncertainty ng future. Pero dasal ang katapat noon at pagsisikap na mabigyang sila ng tamang ehemplo at magandang kinabukasan.

Uno and Jed are my inspiration and with them, every dream is possible.

3 Comments

  1. hehe…cute na mga gwapings! in black and white!

    anyway…they are such treasures! ingatan sila and alagaan, they will grow as fine young men.

    You can do it Jules. They are your legacy to mankind. They will carry you to the future.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s