Litratong Pinoy #003: Mahal na INA

Ang Ina ng Laging Saklolo ay kanlungan hindi lamang ng mga puso at damdaming nakikibaka sa pagtahak sa masalimuot na buhay. Higit sa lahat, ang Mahal na Ina ay isang matibay na pagpapahiwatig ng walang hanggang pagmamahal ng Poong Maykapal.

16 Comments

  1. sang-ayon ako sa sinabi mo. palagi kong dinarasal ang nobena na yan noon ako ay nasa kolehiyo gayun din noong ako ay nasa seminaryo pa.

    Hi Bluep! Masarap isipin na bukod sa ating sariling ina na nagluwal sa atin, meron tayong isa pang Ina nag nagmamahal sa atin at gumagabay sa tamang landas. Maraming salamat sa pagbisita!

    Impress naman ako sa site mo! Kaya palagi na kitang kakatukin!πŸ™‚

  2. ph devotees kaming mag-asawa and kapag nasa pinas kami, we never miss a wednesday novena.πŸ™‚ sadly, dito hindi masyadong available ang novena services kaya sariling dasal na lang.

    i actually have almost the same entry sa isang LP submission ko. you can check it out if you like.πŸ™‚

    Meeya’s Memes: LP Mga Mahal na Ina
    Meeya’s Finds: LP Mahal na Ina

    Hi Meeya! Kahit nasaan man tayo, panalangin ay didinggin basta ito ay taos sa ating puso.

    I visited your blog and you’re right! Parallel praying universe ha!πŸ™‚

  3. uy natatandaan ko yan! meron nyan ang lola koπŸ˜€

    salamat sa paalalaπŸ™‚

    Hi Pinay! Deboto pala ang lola mo ng Mahal na Ina.
    Walang anuman! God bless you, Mama Mary loves you!

  4. pinag-nilayan ko rin ang litrato ng Mahal na Ina… wala na kasing hihigit pa…
    magandang araw sa’yo!

    Napaka-makahulugan ng larawan ng Mahal na Ina. Wala na talagang hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina. Gandang gabi sa ‘yo! God bless you, Mama Mary loves you!

  5. dati nagnonobena ako sa kanya pero hindi na naulit, hayyyy salamat sa paalala

    Hi Kaje! Sadyang minsan ay kailangan lang ng paalala. God bless you, Mama Mary loves you!

  6. iba talaga ang lakas na naidudulot ng dasal, lalo na sa inang birhen.

    Hi Leap of Faith! At ang sabi pa nga ay sinasagot ang lahat ng ating dasal sa tamang panaho. God bless you, Mama Mary loves you!

  7. Natatandaan ko pa ang aking mga panahon sa Baclaran Church. Memoryado ko yang buong novena, mula dasal hanggang lahat ng kanta. Marami narin akong hiniling sa Mahal na Ina na kanyang pinagbigyan. Mga ala-alang kasiyahan ang dulot sa aking kalooban. Sa aking pag uwi, sa kanya at sa Nazareno ang una kong punta, pasalamat at pagmamahal sa lahat ng bagay.

    salamat sa ala-ala.

    Pag bumisita ka, makikita mong may mga pagbabago sa Baclaran Church. Hi-tech na, naka-project sa mga TV monitor na nakalagay sa bawat poste ang buong novena. At Powerpoint na ang dating overhead projector. Pero ang Mahal na Ina ng Laging Saklolo, hi-tech man o hindi, walang kakupas-kupas sa pagmamahal sa kanyang mga deboto.

    Walang anuman, EM . God bless you, Mama Mary loves you!

  8. Walang duda na ang Mahal na ina ay ating saklolo at gabay. Isang Ina na katulad ng anak nyang si Hesus ay handang mag hintay sa pagbabalik at mag patawad sa mga anak na katulad ko na tumatahak sa landas palayo sa kanila.

    Hi Ros! Tama ka. Ang Mahal na Ina at si Hesus ay naghihintay lamang sa ating pagbabalik. God bless you, Mama Mary loves you!
    Salamat sa pagbisita!

  9. Yes! Malaki ang naitulong ng Ina ng Laging Saklolo sa aming mag asawa! yun kc ang naging gabay namin umpisa ng niligawan ko sya hangang ikasal at nagkaanak! Salamat Po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s