Kapag Inabot ng Hapunan sa Daan…

Noong Martes ng gabi bago ako pumila sa bus terminal na patungo sa lugar na aking inuuwian, dumaan muna ako sa Chowking. Oras na kase ng hapunan pero pauwi pa lang ako. Mahigit dalawang oras ang biyahe bago ako makarating sa aming bahay. Dahil kumakalam na ang aking sikmura, bumili ako ng Chao Fan na may toppings na siomai at ice tea. Pang-take out sabi ko sa teller. Ilang minuto rin akong naghintay sa pagdating ng order ko. Habang naghihintay, naalala ko na dala ko pala ang aking digicam at kinunan ko ng picture ang order slip ko.

Pagkabigay sa akin ng crew, umalis agad ako at dumirecho sa pilahan ng mga pasahero. Wala pang sampung minuto ay nakasakay at nakakuha na agd ako ng puwesto. Sa tabi ng bintana. Pagka-upo ko, binuksan ko agad ang styrofoam na may Siomai. Pero bago ko matikman, may tumabi na sa akin na isang babae. Natural, inalok ko syang kumain at ang sabi nya ay salamat. Eh di inumpisahan ko na ang Siomai. Nakalimutan kong kumuha ng toyo sa Chowking kaya dun ko na lang sa something spicy na kasamang ibinigay sa akin isinawsaw ang siomai habang paminsan-minsan ay lagok ng ice tea. Nang maubos na, sinunod ko naman ang Chao Fan, Wow! Graveeee! Ang anghang pala!! Mas maraming bell pepper kesa sa beef and chicken ang ibinigay sa akin. Pero nakaya ko namang ubusin kase may ice tea.

Karaniwan ng may mga kumakain sa bus kapag gabi ang byahe. Karaniwan burger and fries at kung anu-anong chitchiria. Pero sa palagay ko, ako lang ang may ganun pa-epek nung gabing yun.
Sa totoo lang, pangalawang beses ko nang kumain ng ganun habang pauwi ako sa bahay. Yung una, sa sobrang kabusugan ko, nakatulog ako pagkatapos kumain at nakalampas sa dapat babaan. Buti na lang nung pangalawa, nung Martes na gabi, hindi na uli ito naulit.

2 Comments

  1. Hello!

    Mahirap nga malipasan ng gutom kaya wala naman talagang magagawa kundi kumain kahit saan pwede. Lalo na kapag nagmamadali na sa pag-uwi. Sadyang ganyan ang buhay ng isang masipag at “hardworking” na nanay.

    Mabuti nalang at may mga tindahan na pwedeng matakbuhan para sa panandaliang pamatid gutom.

    Ingatan ang kalusugan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s