Mall Edium Arge: Mall Alone 1.0

Glitter Words

napadpad ako do’n kaninang tanghali sa paghahanap ko ng ipapalit sa planner kong nawala nung nakaraang byernes. tulad nang huli kong punta no’ng ilang  buwan na ang nakaraan, hindi ko pa rin matandaan ang mga pasikot-sikot. matagal ko ng gustong mamasyal uli do’n dahil sa manila bay sunset na matatanaw sa viewing deck. kaya lang makulimlim ang buong maghapon kaya di ko rin nasaksihan ang gusto kong makita. pero ayos na rin kase may mga nadiskubre akong na hindi ko alam dati.

may ilang pictures akong nakuha sa loob at labas ng mall. hindi ako masyadong ginanahang mag-shoot kase ang bigat ng bag na nasa balikat ko tapos may dala pa akong isang bag. pero i promise, next time na pumunta ‘ko do’n, lahat ng pwedeng kunan ng pictures lagot sa ‘kin!

sa loob at labas ng… di-maliparang uwak na tindahan


2 Comments

  1. Nabitin ako sa pictures mo pero me kasabihan na “mabuti na ang meron kaysa wala”. Kaya kung yan man ay para sa iyong kaibigan, ako man ay nakikisilip lamang, lugod ang hatid ng munting pagbisita sa blog mong maganda.

    *kindat*

  2. Pasensya na at medyo bitin. Ang totoo eh hindi lang dalawang pictures ang nakuha ko, mga walo yata kaya lang ang bagal mag-upload ng site..

    Alam mo, habang mag-isa akong naglilimayon d’yan, naalala ko ‘yong kaibigan ko kase mahilig syang mag-malling, as form of relaxation. Kung nandito nga sya, alam ko mag-eenjoy kami lalo na konti lang ang tao kahapon dahil unang araw ng linggo. Meron nga akong nakitang mga restaurants na alam kong magugustuhan n’ya kase marunong ‘yon pagdating sa mga excellent food kase magaling syang magluto.

    Kaya naman nag-promise ako na sa susunod ka-career-rin ko ang pagkuha ng pictures dyan sa MOA para pag nakita ng kaibigan ko, parang tunay n’ya na ring nasilayan kahit nasa malayong lugar sya.

    Maraming salamat sa pagbisita! Hanggang sa muli!!

    *kindat din*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s