Another Week

Glitter Words

ANG MAHAL KONG 2008 PLANNER

Kahapon ng tanghali, nagpunta ako sa bangko. Bago ako pumunta doon, nagpa-photocopy muna ako ng dalawang IDs kase SOP yun sa transaction nila. Pagkatapos kong magpa-photocopy naalala ko na dala-dala ko pala ang 2008 Planner ko kase nandon nakasulat ang transaction record na gagamitin. Hinanap ko sa loob ng photocopy shop pero wala naman do’n. Tapos naalala ko na pagbaba ko pala sa jeep na sinakyan ko eh wala na akong dalang planner eh samantalang pag-akyat ko naman ay meron. Saan napunta ang planner ko?? Sinumpong na naman ako ng amnesia.

Dahil hindi ko makita, umuwi na lang uli ako ng bahay para kunin uli ang kopya ng transaction record para sa bangko. At sinabi ko sa nanay ko ang mga pangyayari. Sabi nya sana raw ay maibalik sa akin tapos tinanong nya ko kung may lamang mga importante dun. Ang natatandaan ko lang ay ang mga resibo ng Baptismal nina Uno and Jed na hanggang ngayon ay di ko pa nakukuha sa mga simbahang pinagbinyagan sa kanila [ang tamad ko ano?!] at pati ang dalawang pictures ng boys. Ang isang picture dun ay kay Jed na mahaba pa ang buhok nya at may headband syang gliterring stars. Mukha syang girlalou. Doon ako nanghihinayang. Katangahan kase.

Ano pa ba ang nasa planner na yun? Ang natatandaan ko mga lista-lista ng mga kung anu-ano pero di naman ganun ka-importante, dalawang prayer booklets na ang tagal ko ng itinatago at ginagamit at lumang white envelope na laging kong pinaglalagyan ng mga kadatungan. Ang envelope na yun ay nalagyan na ng mahigit PHP 100,000.00 kaya ang tawag ko dun ay “my lucky envelope” kase di ko nilalagyan yun ng below PHP 10,000.00… ngayon mami-miss ko sya at kailangang maghanap na uli ako ng panibagong lucky envelope. Nakasulat naman sa planner ang name, address at celphone number ko. Maibabalik pa kaya yon?? Wish ko lang..

SA SM CITY DASMA AT SA BOOKSALE

Pagkagaling ko sa bangko, punta ko ng SM-City Dasmariñas kase may kailangang bilhin. Tapos, napadaan ako sa Booksale, ang paborito kong bookshop. Eh di bookhunting galore na naman ako at meron naman akong nakitang 3 bargain books: 1. Lost in a Good Book by Jasper Fforde-Php 110 in good condition; 2. Mythology by Edith Hamilton, Php 80 with slight dent in front cover; 3. Curious George Learns the Alphabet by HA Rey, Php 120 in good condition. Para kina Uno and Jed ang Curious George pero may kwento ako tungkol d’yan sa book na ‘yan next time. Pag-uwi ko ng bahay, nakita ni Madir, as usual, sabi n’ya bumili na naman daw ako ng libro. Katuwiran ko, ‘eh mura lang yan, di naman ako nabili ng libro na lampas Php 200. Bawat isa.

ANG INIT

Mga bata dito sa bahay di marunong magreklamo sa init. Pero lahat ng tao, pakiramdam nila ngayon lang sila nakaranas ng ganitong tropical summer eh taon-taon naman ganito at painit pa ng painit. Sabi nga ng friend ko bumili kaya ako ng aircon, Kayang bumili, ang kaso lang pambayad sa koryente ang problema. baka imbis na malamigan, lalo pang uminit ang ulo ko. Kaya tiis na lang. mag-tyaga sa wall fan, box fan, desk fan. At pamayfan.

HOW TO SELL A FABRIC CONDITIONER

Naglalaba kay sya? Ako naglalaba pero madalang. Nagtataka naman ako sa babaitang ito [senador po sya sa tunay na buhay] kung bakit nag-endorse ng fabric conditioner. Personal ba nyang ginagamit yon o ang mga lavanders nya? Tuwing nakikita ko sa TV eh nangingiting puppy ako at iniisip ko: sa senado mo kaya yan sabihin tapos hamunin ka ng debate ng mga kasama mong mahilig maglaba. Ng diry linens in public.

THE WARFREAK

Nung lunes pakiramdam ko pasan ko ang daigdig. Basta feeling ko lang inis ako sa mundo kase may plano akong di natuloy ngayon summer dahil sa katangahan ko tapos may subconscious longing pa ako na hindi ko ma-explain kaya gusto ko talagang mang-ombag nung Lunes. Kaso wala naman deserve na maombag kaya pinalipas ko na lang ang pagka-inis ko sa mga trabahong bahay na dapat gawin, pagbabasa ng librong luma, pag-aalaga ng mga malilikot na janakis at iba pa. Ayun nawala din. Tapos feeling senti ang beauty ko, gawa ako ng slide with music na parang music video sa MovieMaker. Maghapon kong inisip kong pa’no ko gagawin yon kase may na-read pa kong isang article sa isang lumang book na gusto kong isama sa presentation. Naisip ko yung song na “The Warrior is a Child” at yon na ang napagdiskitahan ko. Di ko na sinama yung article kase tama na yung kanta ni Gary V.

MATAAS ANG HIGH BLOOD🙂

Yan ang naririnig ko pag inuulit ng boss ko yung sinabi ng friend n’ya na may hypertension. Natatawa ko pag naalala ko. Pero kanina di na ‘ko natawa kase feeling ko na-high blood na naman yata ako. Pareho ang feeling nung mga nakaraang nakaramdam ako pero mas matindi ngayon. Eh di first aid sa ‘kin si Madir kase di na ko makakilos sa sakit ng ulo at pagkahilo. Awa ng Diyos, okay na ko ngayon. Makakapag-blog ba ko, kung hindi? Sa ganitong oras ng madaling araw.🙂 Naalala ko tuloy yung kaibigan ko, medyo di maganda ang feeling n’ya tapos sabi ko magpa-check up na sya agad kase baka lumala. Tapos ako pala itong dapat ding magpa-check up. Doctor, doctor shall I die? No, my darling do not cry! 🙂

2 Comments

  1. Nakakatuwa ang iyong post ngayon!

    Parang pansit, maraming halo. Masarap basahin!

    Sana maibalik planner na pag aari
    Aklat na binili di dapat alayan ng pag sisisi
    Boxfan, deskfan o pamayfan dulot ay ginhawa maski konti
    Fabric Conditioner sa senado? bakit ganito ang nangyayari?
    Hinay lang kumare, pagdating ni kumpare ombagin ng walang pasabi
    Sakit na high blood delikadong totoo, mag-ingat at alagaan mahal na sarili.

  2. Salamat, salamat..

    Kung di na maibalik ang planner, meron namang kapalit
    Mga aklat na binili, yaman sa isipan ang hatid
    Hangin sa tag-init lubhang matipid, sa gabi naman ito’y hindi
    Sya’y nasa patalastas, di ko alam ang tunay na dahilan
    Basta natatawa lang ako sa kanya kase senador sya
    Si kumpare malayo ng dumating🙂
    Pag may alta presyon, aalagaan pati emosyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: