Malling with style

sm2.jpg

Spratlys Islands 101

Meron akong naging kakilala na nadestino sa Spratlys Isalnds. Ang sabi n’ya sa akin, noong nandun sila sa Spratlys, bukod sa pagbabantay doon, wala naman daw silang ginagawa kundi maglakad sa buhangin, maligo sa dagat, tumingin sa mga tala sa kalangitan tuwing gabi at makipag-kawayan sa mga Vietnamese at Chinese na nasa mga karatig isla din ng Spratlys. Nang tinanong ko s’ya kung naramdaman ba n’ya ang kaba na baka magsagupaan sila, ang sabi n’ya lang ay hindi naman daw mangyayari yun dahil sila-sila lang ang naroon at wala naman daw dahilan para magsagupaan sila. Simpleng sagot sa simpleng tanong.

May isang komentarista ang nagpahayag na hindi lang “occupation of the island” ang solusyon sa isyu tungkol sa Spratlys. Pero makakatulong daw ito sa pagpapalakas ng legal na pag-angkin ng Pilipinas. Meron namang mga Pinoy na umuukupa sa mga isla at sila ay naroon sa Kalayaan, Palawan. Ito ay nasa kanlurang bahagi ng Spratlys. Katunayan nga may cell site doon ang Smart. Eh di pag bumisita ako sa Kalayaan, p’wede ko kayong i-text at p’wede rin akong mag-online kase ang GPRS ng cell phone ko ay sa network ng Smart.

Pino-promote ang Kalayaan bilang destinasyon pang turismo at sa palagay ko ito ay maganda naman. At kung may mga turista, dapat may mall. Ang sagot d’yan, syempre SM City-Spratlys Island. Lima-singko na ang mga mall dito sa Manila. Panahon na para magkaroon naman ng branch dun sa Spratlys.

Mga Chinese ang masyadong interesado sa Spratlys. Chinese-Filipino naman ang may-ari ng SM Group of Companies. Hmmm… ibang kwento na naman ito.

Gayunpaman, ang sabi nga ng themesong ng SM,”we’ve got it all for you.” Pati na ang Spratlys Islands. Bongga di ba!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s