Mall Amnesia

Walang kinalaman ang pamagat sa eksenang naganap.

Kagabi sa The Landmark, pagkatapos kong bumili ng damit at sapatos ni Bodedeng aka JED, napadaan ako sa stand ng mga payong. Naalala ko na kailangan ko ng bumili ng bago kase nasira na ang dati kong ginagamit. Tinignan ko ang ibat ibang klase at kulay, at pagkatapos ng dalawampung minuto ay may nagustuhan din ako na ang halaga ay Php 299.75

Ako: Ang mahal naman ng umbrella. Pag nabali naman ang isang tangkay papalitan lahat.
Salesgirl: Ma’am, matibay yan.
Ako: Talaga?
Salesgirl: Pag nasira po, may service center kami.
Ako: Ows, talaga meron? Saan?
Salesgirl: Sa Binondo po. Dalhin n’yo lang po ang resibo.
Ako: May warranty ba ito?
Salesgirl: Basta dalhin n’yo lang po ang resibo.
Ako: Okay.

Habang nakapila ako sa counter para bayaran ang payong, tinitingnan ko kung may address ang manufacturer. Wala naman. Kung halimbawang nasira ang payong ay gusto kong ipagawa sa service center na sinasabi ng salesgirl,saan kaya sa Binondo ang pagawaan nito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s