Naglalaba kay sya? Ako naglalaba pero madalang. Nagtataka naman ako sa babaitang ito [senador po sya sa tunay na buhay] kung bakit nag-endorse ng fabric conditioner. Personal ba nyang ginagamit yon o ang mga lavanders nya? Tuwing nakikita ko sa TV eh nangingiting puppy ako at iniisip ko: sa senado mo kaya yan sabihin tapos hamunin ka ng debate ng mga kasama mong mahilig maglaba. Ng diry linens in public.

THE WARFREAK

Nung lunes pakiramdam ko pasan ko ang daigdig. Basta feeling ko lang inis ako sa mundo kase may plano akong di natuloy ngayon summer dahil sa katangahan ko tapos may subconscious longing pa ako na hindi ko ma-explain kaya gusto ko talagang mang-ombag nung Lunes. Kaso wala naman deserve na maombag kaya pinalipas ko na lang ang pagka-inis ko sa mga trabahong bahay na dapat gawin, pagbabasa ng librong luma, pag-aalaga ng mga malilikot na janakis at iba pa. Ayun nawala din. Tapos feeling senti ang beauty ko, gawa ako ng slide with music na parang music video sa MovieMaker. Maghapon kong inisip kong pa’no ko gagawin yon kase may na-read pa kong isang article sa isang lumang book na gusto kong isama sa presentation. Naisip ko yung song na “The Warrior is a Child” at yon na ang napagdiskitahan ko. Di ko na sinama yung article kase tama na yung kanta ni Gary V.

MATAAS ANG HIGH BLOOD :-)

Yan ang naririnig ko pag inuulit ng boss ko yung sinabi ng friend n’ya na may hypertension. Natatawa ko pag naalala ko. Pero kanina di na ‘ko natawa kase feeling ko na-high blood na naman yata ako. Pareho ang feeling nung mga nakaraang nakaramdam ako pero mas matindi ngayon. Eh di first aid sa ‘kin si Madir kase di na ko makakilos sa sakit ng ulo at pagkahilo. Awa ng Diyos, okay na ko ngayon. Makakapag-blog ba ko, kung hindi? Sa ganitong oras ng madaling araw. :-) Naalala ko tuloy yung kaibigan ko, medyo di maganda ang feeling n’ya tapos sabi ko magpa-check up na sya agad kase baka lumala. Tapos ako pala itong dapat ding magpa-check up. Doctor, doctor shall I die? No, my darling do not cry! :-)