
Kasalukuyan akong uma-attend ng isang workshop dito sa Manila. Sa isang mall na malapit sa venue kami nag-lunch at bago kami bumalik sa session ay nagkaroon kami ng pagkakataon na tumingin-tingin sa mga SALE
at kung anu-ano pa. Walang kaming nagustuhan. Pero nakatawag pansin sa akin ang isang jersey na sa palagay ko ay kasyang-kasyang isuot ng isang one-month old na baby o ng isang little boy doll.

Upang matunghayan ang iba pang larawan, click here.
July 17, 2008


May hihigit pa ba sa init na idinudulot ng siling labuyo (Capsicum frutescens) sa hapag kainan? Sa mga Bicolano, ito ay lada, silit diablo naman sa mga Ilokano. Bukod sa anghang na idinudulot nito, marami rin itong benipisyo sa kalusugan ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research.

Ang paborito kong chitchiria na maanghang ay Oishi. Malutong, malinamnam at kakaiba ang lasang idinudulot ng sili na kasama sa mga ingredients nito.
Hot sauce naman ay nagbibigay sipa sa ibat-ibang klase ng pagkain. Ang pinaka gusto kong lagyan ng hot sauce ay ang pizza.
Magandang Huwebes sa inyong lahat!
May 15, 2008


Ang Ina ng Laging Saklolo ay kanlungan hindi lamang ng mga puso at damdaming nakikibaka sa pagtahak sa masalimuot na buhay. Higit sa lahat, ang Mahal na Ina ay isang matibay na pagpapahiwatig ng walang hanggang pagmamahal ng Poong Maykapal.

May 8, 2008

Minsan sa buhay nila, sila’y mga berdeng dahon,
Nagbigay ng munting aliw, umaga, gabi at hapon
Ngayon ay luoy, tuyo at wala ng buhay
Naglaho nang tuluyan mga berdeng kulay..
Awit at pelikula hatid naman ng CD
Sa stereo, computer, siya minsan ang hari.
Ngunit nagasgas, naluma, nawalan ng silbi.
Tuluyang nawalan ng buhay kanyang mga binary.

May 1, 2008


Ano hugis ng sinag ng araw? Siguro kayang-kayang sagutin ng mga scientists ang tanong na yan. Para sa akin, tama na muna ang alamin kung ano ang hugis ng dahon ng San Francisco ['yan daw ang pangalan ng mga malalagong halaman sa harapan ng bahay namin sabi ng nanay ko] kapag ito ay itinapat sa sikat ng araw. Dahil sa liwanag, kitang-kita ang design nito. Napansin ko rin na walang design ang mga dahon na magkakapareho.
Ang sabi sa isang episode sa Discovery Channel, ang bawat dahon ng halaman daw ay mayroon energy. Hmmm.. ano kayang energy meron ang dahong ito?
April 24, 2008