Reading 101
Matagal na ko sa teaching [one year na lang debut na
] pero ni minsan di ko pa naranasan magturo ng beginning reading na katulad ng ginagawa ng mga kasama ko sa grade one. Kase naman nung na-assign ako dito sa school namin, sa intermediate ako napunta at hanggang ngayon nasa intermediate ako.
Reading is a very important skill. Wala ng dapat pagdebatehan tungkol d’yan. May mga batang pumapasok sa grade one na may background na sa reading dahil nag pre-school sila pero mas marami ang nagsisimula sa zero dahil di naman lahat ng batang mage-grade one sa public school eh nakapag-pre-school. Grabe ang challenge sa mga teachers na nagtuturo ng beginning reading. Di ko na iisa-isahin pa ang mga yon. Lets leave it to the RAP [Reading Association of the Philippines, which I'm not a member].
Alam mo ba ang feeling kapag natutong magbasa ang isang bata ng dahil sa yo? Wow… natatandaan ko nung kinder ako, si Mrs. Vargas ang una kong teacher at palagi kaming may writing kaya na-master ko agad ang alphabet. Nung grade one ako, kay Ms Ignacio ko natutuhan magbasa ng consonant blends!! Tandang-tanda ko yon kase tuwang-tuwa ako tapos sinabi ko pa sa ate ko na marunong na ko magbasa ng maraming-maraming words na English! Nasan na kaya si Mrs. Vargas? Si Ms Ignacio naging principal pa sya sa school namin. That was more than ten years ago. Kumusta na kaya sila ngayon…
Saludo ako sa mga beginning reading teachers. Pati na rin sa nagpapatuloy sa mga sinimulan nila.
To learn how to read is to enter a world of endless possibilities. Observe a child who is beginning to read and understand words and you will sense a great feeling.
Hindi nga ako nagtuturo ng beginning reading sa school pero pagdating sa bahay, merong isang bata na atat na atat ng matutong magbasa.
Kapag binuksan ko na ang laptop, signal na yan na mag-o-online si Uno para sa kanyang beginning reading lesson. Kahit may ginagawa ako, o may pinagkakaabalahan din syang iba tulad ng pakikipag-wrestling kay Jed at pakikipag-aso’t pusa kay Gatz na kanyang pinsan, lalapit sya sa akin at pipilitin akong i-open ang starfall.com. Ito ay isang website na nagtuturo ng mga simple beginning reading exercises. Nakaka-attract ito sa mga bata kase animated at may ibat-ibang sound na p’wedeng gayahin.
Sa ayaw ko at sa gusto, kesehodang may ka-chat ako, nagche-check ng email, o nage-encode para blog, wala syang paki basta pag sinabi nyang ‘Mommie, b” or ‘tarpol’ dapat imi-minimize ko lahat ng Windows at Starfall lang ang naka-open. Dahil kung hindi, maglulupasay s’ya at hindi titigil sa pag-iyak hangga’t di n’ya nakikita ang Starfall interface. Hindi pa nya nasasabi ang ’starfall’ at mas palagi nyang sinasabi ang ‘b’ kase ito ang natandaan n’ya dahil naaliw sya sa animated na ‘big brown bear’ nang una n’ya ‘tong makita.
Noong mga unang encounter n’ya with Starfall, ako pa ang nagna-navigate ng directions pero nung tinuruan ko na sya kung ano ang dapat i-press sa touchpad, natandaan n’ya at sya na ang nagpapalipat-lipa ng ‘index’ ng letter. Kung minsan hindi n’ya makita ang cursor kaya kailangan hanapin ko at ipakita sa kanya. Pag nakita, alam na n’ya ang kanyan gagawin.
Kapag nakaharap na sya sa laptop, pwedeng-pwede ko na syang iwanan. Pero may instances na talagang tinatawag ako, sumisigaw ng ‘mommie!!!!’ at kailangan kong lumapit kase ipapakita n’ya kung anong letter ang na-press n’ya at mga objects na nakikita n’ya.
Dahil may alphabet poster s’yang nakadikit sa wall, kelangan pang ituro sa ‘kin ang mga letters na alam nyang pareho. In this case, letter Hh.

Sa October 28 ay three years old na si Uno kaya dapat lang naman na by this time eh may alam na sya sa alphabet . He knows how to identify all the letters and objects from A to E ng walang nagtuturo sa kanya. After ng letters A to E, mga random letters na ang alam nya.
Bukod sa starfall at alphabet, paborito naman nyang basahin ang Curious George ni HL Rey. Napakaraming beses na naming nabasa ang mga libro pero wala pa rin syang kasawa-sawa. Minsan pagkagising sa umaga gusto n’ya magbabasa na agad kami ng book
o kung minsan naman kung kailan aalis na ako papunta sa sa trabaho saka n’ya sasabihin ‘George, mommie’ sabay bigay sa ‘kin ng libro.
Maraming beses ko na s’yang nakitang may hawak ng libro at narinig na nagsasalita na parang nag-o-oral reading. Maraming beses ko na rin s’yang nakitang nakatulog na at katabi si George.
Si Jed naman, wala pang masyadong interes sa books. Titignan, bubulatlatin, at kapag mag-sawa ay iiwan na lang sa isang tabi o kaya ay ihahagis kung saan. Pero kung minsan pag nakita na n’yang nakaharap sa laptop ang kuya n’ya, makiki-usyoso rin at makikisabay sa mga words na naririnig n’ya. Humahagikgik din kapag nakita n’ya ang ‘big brown bear’.
Parang ang madali ng magturo ng beginning reading kapag ang gamit ay computer at Internet. Hindi maitatanggi na malaki ang magagawa ng technology para mai-advance ang pagtuturo nito sa mga bata. Maraming steps na pwedeng gayahin na talagang mag-e-enjoy sila. Pati ang nagtuturo maaaliw din. Tapos medyo mababawasan pa yung pagod sa pagsasalita ng paulit-ulit kase kapag pinindot ang keyboard, maririnig na yung sound ng letters pati yung name ng objects. Basta ‘wag lang mawala ang power ng kuryente o ma-low bat ang battery ng laptop
.
Going back to those who toil to let the sun always shine in the minds of young people. Hats off ako sa inyo. Sa mga beginning reading teachers na hindi tinatantanan ang mga bata hangga’t di sila natututong magbasa, kahanga-hanga ang inyong dedikasyon. Sana dumami pa kayo ng dumami.
May isang phrase na palutang-lutang sa cyberspace. Eight words lang, simple at anonymously written. It says: if you can read this, thank a teacher.
4 comments July 16, 2008















