Les Miserables ba kamo…

Posted: January 27, 2013 in Music, Wikang Filipino
Tags: , ,

Tinanong ko si Irene noong isang araw kung napanood na niya ang pelikula. Sagot niya eh hindi pa dahil laging puno ang mga sinehan. “Nakakaiyak daw,” ang wika ko naman. Hindi ko pa rin napapanood (hindi ko rin nabasa ang aklat sa Ingles man o sa Pranses, lalong hindi ko pa natutunghayan bilang palabas sa entablado) at marahil matatapos itong ipakita dito ng hindi ko masisilayan.

Si Wolverine inapi-api, si Gladiator nagpatiwakal, si Selena Kyle binusabos at inalipusta. Talagang maiiyak din ako ng todo-todo pag napanood ko ito. Hindi ko lang alam kung kailan.

May nabasa akong mga review doon at dito. Sadyang nakaka-ingganyong panoorin. Pero talagang wala sa tiempo sa ngayon dahil sa trabaho, na kasama syempre ang paglalabada. Bulong sa hangin, “ihiwalay ang puti sa de-kolor.”

Kung pag-uusapan din naman ang Les Miserables, meron akong kwento diyan. Noong unang panahon, nang bata pa si Sabel, may nagbigay sa akin ng aliw pati na rin sa mga kapatid ko lalo na si Maria Cristina na pinakamagaling umawit sa aming mag-kakapatid (at sa buong angkan?). Ito ay pakikinig at pagsabay sa pag-awit sa original broadway cast ng LM. Sa cassette tapes ha, hindi sa CD o mp3, lalong-lalo na hindi sa iTunes. Oo, ladies and gentlemen, lapis at fountain pen, ang Les Miserables original broadway cast recording na aking pag-aari ay inilabas noong 1987 at hindi ko matandaan kung kailan ko ito nabili. Pakiramdam namin parang napanood na rin ang musical dahil paulit-ulit na pakikinig. Talaga namang wagas! Di ba, Maria Cristina? “Master of the house, quick to catch yer eye/Never wants a passerby to pass him by!”

GE DIGITAL CAMERA

Ang akala ko nga ay naglaho na ito dahil ipinahiram ko sa mga kaibigan at tuluyan ko nang nakalimutan. Subalit dalawang taon na ang nakalilipas, ito ay naisauli sa akin nang isang kaibigan. Ipinahiram ko nga pala sa kanya at nang siya ay nag-aayos ng mga gamit ay nakita niya ito at ipinadala sa akin. Medyo nagulat nga ako at natuwa na rin kase kasama din dito ay ang cassette tapes ni Alanis Morisette na “Jagged Little Pill” at “Fields of Gold” collection ni Sting. Itinago ko naman uli ang mga ito kase hindi ko na magagamit dahil wala akong cassette player.

GE DIGITAL CAMERA

Sa tingin ko gagana pa ang LM tapes na ito kase mukha itong malinis at wala namang amag o mold na karaniwang nakikita sa mga lumang cassette tapes. Kailangan ko sigurong makahanap ng cassette player at muling mapakinggan ito para tiyak na malaman kung talagang may maririnig pa dito.

Ano naman ba ang paborito ko sa mga awitin dito? Natural, yung pang miserable talaga, “I Dreamed a Dream,” “On My Own,” at ang walang kakupas-kupas na “Do You Hear the People Sing.”

Bago ko kinuha sa aking taguan ang tapes, nag-YouTube muna ako. Nood dito, kinig doon. Sa trailer ng pelikula sabay ng awit ni Selena Kyle talagang lalambot ang damdamin mo. Pero para sa akin, wala ng hihigit pa kay Lea Salonga. Tumulo talaga ang luha ko ng napakinggan ko siya.

There was a time when men were kind
When their voices were soft
And their words inviting
There was a time when love was blind
And the world was a song
And the song was exciting
There was a time
Then it all went wrong

I dreamed a dream in time gone by
When hope was high
And life worth living
I dreamed that love would never die
I dreamed that God would be forgiving
Then I was young and unafraid
And dreams were made and used and wasted
There was no ransom to be paid
No song unsung, no wine untasted

But the tigers come at night
With their voices soft as thunder
As they tear your hope apart
As they turn your dream to shame

He slept a summer by my side
He filled my days with endless wonder
He took my childhood in his stride
But he was gone when autumn came

And still I dream he’ll come to me
That we will live the years together
But there are dreams that cannot be
And there are storms we cannot weather

I had a dream my life would be
So different from this hell I’m living
So different now from what it seemed
Now life has killed the dream I dreamed.
* Alain Boublil / Claude-Michel Schonberg *
* Lyrics by Herbert Kretzmer *

At ito ang “Do You Hear the People Sing” mula sa 10th Anniversary Concert.

Si Jed tinanong ako kanina: “Mommy, ano yan? Pampatugtog?” Si Uno, “Mommy, ano yan?” Sabay hawak pero hindi niya alam kung ano ito. Kapag muli kong napakinggan ang tapes, sasabihin ko na lang. Kung hindi, ano kayang mangyayari dito? Itatago na lang siguro uli.

Oo nga pala, Si Maria Cristina mayroon ding cassette tapes noon ng isang musical. Miss Saigon. Hindi niya talaga pinalampas. Lahat ng kanta alam niya. :-)

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s