Eh ano ang naman masama kung may subliminal message ang mga relief goods na pinamimigay nila.. Eh kiber n’yo ba kung tumitingin s’ya ng mga bote-bote ng mga nakalalasing na inumin.. Malay ba nila kung ang makatatanggap ng food packages eh voter o hindi. Pakialam ba n’ya kung sandamakmak ang nagpe-Facebook na walang magawa sa buhay nila kundi maglagay ng mga pictures/status ng mga sinalanta ng bonggang-bonggang baha ni Ondoy. Basta gusto n’yang i-regulate ito period. At akala n’yo sila lang ang may monopoly ang wastong kilos at pag-uugali sa mga oras na may mga taong nangangailangan ng tulong, aba’y eto at eto pa. ABER!!
October 1, 2009
Source