Anong petsa na?!!
Inabot na ng madaling araw ang videoke ng kapitbahay. Hindi naman ako nabibingi, lahat ng kasama ko dito sa bahay ay mahimbing na sa tulog at ang iba ay naglalakbay na sa kanilang panaginip. Pero wala pa ring puknat ang kantahan dun sa may kanto! Anu ba yun?!
Kaninang tanghali, dun sa bahay na kaharap mismo ng bahay namin eh merong ayaw magpa-awat kumanta. Okay lang sana pero para akong tino-torture habang naririnig ko! Pintasera talaga ang lola mo kapag ang gustong mang-angkin ng microphone eh yung hindi na nag-vocalize, feeling pa God’s gift to mankind ang boses nila pag kumanta… Hay naku…
Sa oras na ito 12:44 AM RP time, tuloy pa rin ang ligaya ng mga nagkakantahan sa kanto . At ang puyatan ng mga taong malapit sa kanila.

1 comment May 7, 2008

